Mas hinigpitan na ng embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates ang ipinatutupad nitong panuntunan sa pag-i-sponsor ng mga Overseas Filipino Workers ng kanilang kamag-anak upang makarating sa UAE bilang turista.
Ito ay upang maiwasang maging biktima ng human trafficking ang mga Pilipino na kapag nakapasok na sa UAE gamit ang tourist o visit visa ay saka nag-a-apply ng trabaho doon.
Sa inilabas na advisory ng embahada ng Pilipinas sa UAE, maaari lamang i-sponsor ng isang OFW ang kanyang kaanak na nasa fourth degree of consanguinity gaya ng anak, asawa, magulang hanggang sa first cousin nito at dapat ay makapagpakita ng proof of relationship
Dapat rin na ang mag-i-sponsor na OFW ay may buwanang sweldo na hindi bababa sa three thousand five hundred dirhams o nasa apatnaput apat na libong piso, bilang katunayan na kaya nitong gastusan ang mga kinakailangan ng sponsor nito habang nananatili sa UAE bilang isang turista.
(UNTV NEWS)