Mas mahigpit na panuntunan sa pagbebenta ng LPG, ipatutupad ng DOE

by Radyo La Verdad | December 6, 2017 (Wednesday) | 3093

Mas mahigpit na mga panuntunan ang ipatutupad ng Department of Energy o DOE sa mga liquefied petroleum gas o LPG refilling plants at retailer sa bansa.

Pinirmahan ni DOE Secretary Alfonso Cusi ang unified Code of Safety Practices in LPG Refilling Plants bilang bahagi ng kampanya para sa mas ligtas na paggamit ng LPG.

Mapipigilan nito ang iligal na pagbebenta ng LPG at mga insidente ng sunog dulot ng mababang kalidad ng LPG cylinder.

Kabilang sa code of safety ang mahigpit na mga panuntunan sa inspeksyon sa mga delivery vehicles ng LPG at transportasyon nito.

Panuntunan sa “cylinder refilling”, kabilang na ang paghihiwalay sa mga delapidated at may singaw na mga tangke at pag-refill gamit ang mga “electronic filling machines” para sa tamang timbang at maintenance sa mga LPG cylinders.

Samantala, nagbabala naman sa publiko ang Bureau of fire Protection kaugnay sa modus ng ilang mga LPG inspector.

Mismong ang tiyahin ni BFP spokesperson FSupt. Joanne Vallejo ay nabiktima ng sindikato. Nagpaalala ang BFP na huwag basta-basta maniniwala na accredited nila ang mga umanoy LPG inspector.

Bukod sa babala sa modus ng mga LPG inspector, nagpaalala rin ang BFP sa publiko na maging maingat sa paggamit ng LPG lalo na ngayong holiday season. Isa sa listahan ng Bureau of Fire Protection ang pagsabog ng LPG sa dahilan ng mga sunog.

Ilan sa mga insidente ng pagsabog ng LPG ay ang Serendra blast na kumitil ng apat na buhay at LPG explosion sa tabi ng isang gasoline station sa Mandaluyong na nag-iwan ng apat na taong sugatan.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,