Mas mahigpit na batas sa paggamit ng mobile devices habang nagmamaneho, ipatutupad

by Radyo La Verdad | January 24, 2018 (Wednesday) | 2354

Para makaiwas ang mga motorista sa aksidente sa daan, magsasagawa ang Land Transportation Agency o LTA ng Safe Riding Programme o SRP para sa nararapat na gamit ng personal mobility devices simula February 1 ngayong taon.

Ang programa ay tatagal ng 90 na minuto ang isang session na tuturuan ang mga drivers ng dapat at di dapat sa paggamit ng mobile devices habang nagmamaneho.

Ang programang ito ay isasagawa sa iba’t-ibang community clubs, paaralan, migrant workers dormitories at iba pang civic organizations, ito ay libre sa loob ng isang taon at bukas sa lahat.

Pero ang mga mahuhuli na hindi tumutupad ng tamang panuntunan sa paggamit ng mobility devices ay required na dumalo ng program pero kailangang magbayad ng full course fee.

Bukod ito sa bagong penalties na naipatupad na noong January 15 na mula 300 Singapore dollars hanggang 1,000 Singapore dollars depende sa lugar kung saan ka nahuli at kung ilang beses. Pero kung mahuhuli sa expressway, walang fine pero kakasuhan sa korte.

 

( Annie Mancilla / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,