Mas mahigpit na batas para sa karapatan ng mga Airline Passenger isinusulong sa Kongreso

by Radyo La Verdad | September 29, 2015 (Tuesday) | 1283

AIR-PASSENGER-RIGHT
Pumasa na sa Committee Level sa mababang kapulungan ng kongreso ang Substitute Bill para sa karapatan ng mga airline passenger.

Mas detalyado ang isinusulong na bagong bersyon ng batas at nagpapataw ng mas malaking multa para sa mga airline company

Kabilang dito ang pagbibigay kompensasyon sa mga pasaherong apektado ng mga delayed flight

Sa inaprubahang substitute bill, kinakailangang may ibigay na pagkain at inumin sa lahat ng mga pasaherong dalawang oras na delay ang flight

Kapag umabot na sa apat na oras ang delay, obligado ang airline company na bigyan ng hotel accommodation ang lahat ng apektadong pasahero

Ang mga pasaherong apektado naman ng mga cancelled flight 24 hours bago ang nakatakdang biyahe, maaaring makakuha ng 75% refund ng kanilang ibinayad na pasahe
Habang ang mga pasaherong apektado ng kanselasyon sa araw mismo ng kanilang flight ay maaaring makuha ng buo ang kanilang pasahe.

Sa mga pagkakataon naman na hindi na-notify ang pasahero sa kanselasyon ng flight at mayroon itong mahalagang appointment, maaaring humingi ng dañyos ang apektadong pasahero

Makakakuha na rin ng 20% discount ang mga senior citizen, person with disabilities at mga estudyante.

May kompensasyon rin sa mga pasahero na mawawalan ng bagahe na tatlong beses ang katumbas sa halaga nito at may karagdagan pang makukuhang 20 thousand pesos.

Kapag nasira naman ang bagahe magbabayad ang airline company ng sampung libong piso

Ayon sa Civil Aeronautics Board napapanahon ng baguhin ang Air Passenger Bill of Rights

Kumpara sa mga batas na umiiral sa ibang bansa obsolete na ang bill of rights sa Pilipinas at mas maliit ang multa na ipinapataw sa mga airline company

Sisikapin ng mga nagsusulong ng substitute bill na maisabatas ito bago mag disyembre kung saan dagsa ang mga pasahero sa mga paliparan ( Mon Jocson / UNTV News )

Tags: