Mas magandang bilateral ties, nais makamit ng Pilipinas at Iran

by Radyo La Verdad | February 12, 2016 (Friday) | 1702

dfa
Noong isang buwan lang ay nagsagawa ang Pilipinas at Iran ng isang consultation meeting. Ayon sa DFA kasabay nito’y nagpahayag ang dalawang bansa ng kagustuhang makamit ang mas pinalawawig na bilateral ties.

Sa isang press statement sinabi ng Department of Foreign Affairs o DFA na naging matagumpay ang isang ika anim na joint consular consultation sa pagitan ng Pilipinas at Iran na isinagawa kamakailan sa Tehran.

Paliwanag ng DFA, ilan sa mga napagusapan sa consultation ay ang intelligence cooperation, judicial agreements, consular notification, prisoner swapping, at mga usapin patungkol sa visa.

Ayon sa DFA, nagpahayag si Iran Deputy Foreign Minister Hassan Ghasghavi nang pagkanais na mas mapapaganda pa ng Pilipinas at Iran ang bilateral ties nito.

Ipinahayag naman anya ni DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns Rafael Seguis na ang ika anim na consular meeting sa pagitan ng dalawang bansa ay isang senyas ng kagustuhan ng Iran at Pilipnas na mas pagandahin pa ang bilateral relations nito.

Matatandaang may hindi pagkakasunduan ngayon sa pagitan ng Iran at Saudi Arabia na na nagugat dahil sa magkaibang paniniwala ng mga ito pagdating sa relihiyon.

Ayon kay DFA Secretary Albert Del Rosario, isa ang conflict na ito sa pagitan ng dalawang bansa sa mga patuloy na minomonitor ng Pilipinas sa Middle East.

Katunayan nagsagawa na anya ng isang command conference ang DFA para matukoy ang plano kaugnay ng repatriation ng mga Pilipino sakaling lumala ang tensyon o kaya’y magpatuloy na bumagsak ang ekonomiya sa Saudi.

(Darlene Basingan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,