Mas istriktong polisiya sa mga abusadong taxi drivers, planong buuin ng LTFRB

by Radyo La Verdad | August 24, 2017 (Thursday) | 1792

Abusado, tumatangging magsakay ng pasahero, nangongontrata o nanghihingi ng dagdag pasahe. Ilan lamang ito sa mga pangkaraniwang inirereklamo ng mga pasahero sa serbisyo ng mga taxi.

Kaya naman hindi maiaalis na mas pinipili ng karamihang mga pasahero ang serbisyo ng mga Transport Network Vehicle Service.

Dahil dito, pinag-aaralan na ngayon ng LTFRB na bumuo ng mas istriktong polisiya upang mai-ayos at madisplina ang mga pasaway na taxi driver.

Plano ng LTFRB na makipag-ugnayan sa Land Transportation Office, upang patawan ng mas mabigat at mas mahabang panahon ng suspensyon ng lisensya ang mga lumalabag na taxi driver.

Kahapon pinulong ng LTFRB ang ilang mga taxi operator upang tulungan ang mga ito na maiayos ang kanilang sistema at makasabay rin  sa uri ng serbisyo na ibinibigay ng mga Transport Network Vehicle sa kanilang mga pasahero.

 

( Joan Nano / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,