Makikipagkita na ngayong araw si Mary Jane Veloso at ang pamilya nito sa Yogyakarta, Indonesia.
Ayon sa National Union of Peoples’ Lawyers, dumating na sa Indonesia ang ina at dalawang anak ni Veloso bukod pa sa ama at kapatid nito na nauna nang dumating sa nabanggit na bansa.
Kasama nilang dadalaw sa kulungan ni Veloso ang mga abogadong Indonesian at Pilipino at ilang kinatawan ng embahada ng Pilipinas.
Kahapon ay sinabi ni Foreign Affairs spokesperson Charles Jose na dadalhin sa Indonesia ang pamilya ni Mary Jane alinsunod sa kahilingan nito na makapiling sila hanggang sa huling sandali.
Ngayon ang huling araw ng palugit kay Veloso bago ito isailalim sa firing squad matapos itong mahatulan ng guilty sa pagpupuslit ng ilegal na droga sa Yogyakarta airport.
Binanggit ni Olalia na ngayon ang huling araw ng palugit kay Veloso bago isalang sa sentensyang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad.
Tags: Charles Jose, DFA, drug courier, drug trafficking, Indonesia, Mary Jane Veloso, National Union of Peoples’ Lawyers