Mary Jane Veloso, gagawing testigo laban sa kanyang umano’y illegal recruiter

by dennis | April 29, 2015 (Wednesday) | 1662
Photo credit: Reuters
Photo credit: Reuters

Ipinagpaliban ng Indonesia ang execution kay Mary Jane Veloso para bigyan ito ng pagkakataong makapagbigay ng testimonya kaugnay ng kasong isinampa laban sa mga umanoy nag-recruit sa kanya, kabilang na si Maria Kristina Sergio.

“Ang basis nung pagkakabigay ng stay ay para..to enable Mary Jane to give her testimony in connection sa mga kaso na isinampa laban kay Maria Kristina Sergio. Gagawin natin ngayon ay…We should undertake this investigation as soon as possible,” pahayag ni Foreign Affairs spokesperson Charles Jose.

Naniniwala din ang DFA na malakas ang kasong hawak ng Pilipinas at nakatulong din umano ang pagsuko ni Sergio sa pulisya kahapon.

Ayon naman sa Malakanyang, ginagawa na ngayon ni DOJ Secretary Leila De Lima ang lahat ng mga kinakailangag legal action at nakatakda ring tumulak ang Justice Secretary sa Indonesia.

“Secretary de Lima told me this morning that they will work as hard as they can to produce that (evidence), what is important is to relay what is presently available to the Indonesian (authorities), so they have greater appreciation of why they think (the reprieve is justified), this is a very good development,” ani Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras.

Ayon pa kay Almendras, magkakaroon ng koordinasyon ang DOJ at Attorney General ng Indonesia para matukoy kung sinu-sino ang nasa likod ng operasyon ng drug trafficking na gumagamit ng mga drug mule at masampahan ang mga ito ng kaukulang kaso.(Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: , , , ,