Mars Inc., ipinarecall ang kanilang produkto sa Europe dahil sa natagpuang piraso ng plastic sa kanilang tsokolate

by Radyo La Verdad | February 24, 2016 (Wednesday) | 1540
Mars Incoporated(REUTERS)
Mars Incoporated(REUTERS)

Nirecall ng kumpanyang Mars Incoporated ang ilang chocolate products nito sa limamput limang bansa sa Europe.

Ito’y matapos makatanggap ng reklamo ang kumpanya mula sa Germany na may natagpuan na piraso ng plastic sa Mars chocolate.

Ang mga produktong ipina-re-recall ay ang lahat ng Mars and Snickers products, milky way minis and miniatures ganun din ang mga celebrations confectionery boxes na may expiration dates mula June 19, 2016 hanggang January 8, 2017.

Ayon sa Mars bagama’t sa Snickers chocolate lamang natagpuan ang plastic hindi nito masisiguro na walang plastic ang iba pang produkto na ginawa sa Veghel factory.

Ang Mars ang isa sa pinakamalaking food company sa mundo at kabilang sa mga sikat na produkto nito ang M&M’s, Galaxy, Twix at iba pa.

Tags: , , ,