Naniniwala si Senior Associate Justice Antonio Carpio na dapat gawing isyu ng COMELEC ang Maritime dispute sa pagitan ng China at Pilipinas sa gagawing presidential debate sa darating na Pebrero.
Dapat aniyang tanungin ang mga kandidato kung ano ang kanilang posisyon sa isyu
Ayon kay Justice Carpio, wala namang masama kung bubuksang muli ng susunod na pangulo ng bansa ang pakikipag negosasyon sa China basta’t huwag lamang babawiin ang kasong isinampa ng Pilipinas.
Sa darating na November 24 hanggang 30, itutuloy ng tribunal ang pagdinig sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China.
Pagkatapos nito, apat hanggang anim na buwan pa ang hihintayin bago mailabas ang desisyon.
Posible namanng maglabas ng ruling ang tribunal bago o pagkatapos ng halalan sa susunod na taon.