Marawi rehabilitation, nais paimbestigahan sa Kamara

by Radyo La Verdad | June 27, 2018 (Wednesday) | 4343

Isang resolusyon ang inihain ng Makabayan Bloc sa Kamara na naglalayong maimbestihagan ang isinasagawang rehabilitasyon sa Marawi City.

Tinututulan ng grupo ang umano’y plano ng pamahalaan na i-award sa kumpanyang The Power Construction Corporation of China (POWERCHINA) na pagmamayari ng Chinese government ang kontrata sa rehabilitasyon sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay Bayan Muna party-list Representative Carlos Zarate, tila ginagamit ng administrasyon ang martial law para paboran ang Chinese government.

Nangangamba naman ang ilang civil society group sa umano’y planong paglalagay ng military base sa mismong main battle area sa Marawi City.

Samantala nais rin ng grupo na paimbestigahan sa House Committee on Human Rights ang mga ulat ng paglabag sa katapatang pantao sa mga apektadong residente sa Marawi City.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,