Aminado ang militar na bago sa kanila ang pakikipaglaban sa urban area. Ito’y dahil nasanay ang mga sundalo sa pakikipagbakbakan sa bundok o rural area. Kaya naman aminado ang AFP na noon pa ay hirap na ang mga sundalong pulbusin agad ang Maute terrorist sa Marawi City.
Dahil dito, plano ng pamunuan ng hukbong sandatahan ng Pilipinas na bumuo ng bagong guidelines para sa urban warfare base sa mga karanasan ng mga sundalong nakikipaglaban sa Marawi.
Ayon pa kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, kakaiba ang naranasan ng mga sundalo sa Marawi tulad na lamang nang pagtatago sa matitibay at konkretong building ng mga kalaban. Bukod pa ito sa pagkukubli ng mga terorista sa mga bihag bilang human shield.
Sa huling tala nasa ng Marawi rebellion, nananatili sa 45 ang sibilyan na napaslang, 528 ang mga nasawing terorista habang 122 naman sa panig ng pamahalaan.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: AFP, Marawi rebellion, urban warfare