Maraming mambabatas, posibleng makulong kapag muling nagsalita si Janet Napoles – Sen. Lacson

by Radyo La Verdad | May 10, 2017 (Wednesday) | 2192


Nagpahayag ng pagkabahala si Senator Panfilo Lacson sa posibleng maging epekto kapag ginamit na testigo si Janet Napoles sa imbestigasyon sa Pork Barrel Scam.

Ayon kay Lacson, posibleng maraming mambabatas ang makulong kapag muling nagsalita ang tinaguriang mastermind ng ‘pork scam’.

Aniya, nakita na niya ang listahan ni Napoles noon kaya alam niyang marami pa ang hindi nakakasuhan kaugnay ng isyu.

Nilinaw naman ng senador na nasa korte pa rin ang pagpapasya kung papayagang maging witness si Napoles.

(Joyce Balancio)

Tags: , ,