Mar Roxas gumastos ng 487 million pesos sa kampanya

by Radyo La Verdad | June 23, 2016 (Thursday) | 13163

MAR-ROXAS
Limampung kahon na nakasakay sa isang truck ang dumating sa Commission on Elections o COMELEC.

Laman ng mga kahon ang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ni Mar Roxas kasama ang mga supporting documents nito na isinunite sa Campaign Finance Office ng COMELEC.

Batay sa SOCE, 487 million pesos ang nagastos ni Roxas sa kampanya kasama na ang 469 million pesos na kontribusyon.

Gumastos si Roxas ng sariling pondo na nagkakahalaga ng 18 milyong piso.

Pinakamalaking contributor ni Roxas ang kaniyang ina.

Ayon kay Daang Matuwid Coalition Spokesman Congressman Barry Gutierrez, humingi si Roxas ng extension sa pagsusumite ng SOCE dahil sa dami ng mga kailangang i-collate na dokumento para makapagsumite ng kumpletong record ng tinanggap na kontribusyon at ang detalye ng mga ginastos.

Ayon kay Gutierrez walang nilabag na batas ang COMELEC nang payagan nitong ma-extend ang deadline mula June 8 hanggang June 30 sa pagsusumite ng SOCE.

Bagama’t tinanggap ng Campaign Finance Office ang SOCE ni Roxas, hindi na muna ito nagbigay ng certificate of formal compliance.

Bukod kay Roxas hindi rin nabigyan ng certificate of formal compliance ang Liberal Party kahit nakapagsumite na ng SOCE.

Samantala, hindi pa rin nagsusumite ng SOCE ang Aksyon Demokratiko at Pwersa ng Masang Pilipino.

(Victor Cosare/UNTV Radio)

Tags: ,