Mar-Leni tandem, nilibot ang Negros Occidental sa ikalawang linggo ng campaign period

by Radyo La Verdad | February 16, 2016 (Tuesday) | 987

MAR-LENI
Sa ikalawang linggo ng kampanya ng mga kandidato para sa national position, tinungo ng Liberal Party at United Nationalist Alliance ang Visayas Region

Sa Negros Occidental bumisita sina LP Standard Bearer Mar Roxas at Camarines Sur Representative Leni Robredo

Kabilang sa mga sinuyo ng Mar-Leni tandem ay ang mga kababayan natin sa Victorias, Silay, Cadiz at Bago City

Kasama sa paglilibot ng dalawa ang ilan sa mga senatoriable nito at iba pang kapartido

Samantala, mga bisaya rin ang binisita nina Senator Grace Poe at Vice Presidential candidate Senador Chiz Escudero sa probinsya naman ng Iloilo

Unang pinuntahan ng mga ito ang 5th District sa bayan ng Carles kung saan mahigit apat na libo ang dumalo

Sunod ng tinungo ng partido galing at puso ang University of Iloilo kung saan kinausap nito ang mga estudyante

Bandang ala singko naman ng hapon sinimulan ang pagdaraos ng kanilang election rally sa Jaro Plaza Iloilo.

Sa bahagi naman ng Central Visayas, pinangunahan ni Vice President Jejomar Binay ang general assembly ng United Nationalist Alliance at One Cebu

Dito ay pormal na inilunsad ang koalisyon ng UNA at ng One Cebu na pinamumunuan ni Gubernatorial candidate Winston Garcia at ng UNA

Kasama ni VP Binay sa pagtitipon sina Senator Gringo Honasan at iba pang kandidato ng partido sa pagkasenador

Samantala, nasa Cebu din si Senator Allan Peter Cayetano para sa dialogo nito sa mga estudyante ng Cebu Doctors Hospital ngunit hindi nito kasama ang running mate na si Mayor Rodrigo Duterte

Hindi naman umalis ng Metro Manila sina Senator Miriam Defensor Santiago naman at Senator Bongbong Marcos at sa Pasig City lamang naglibot upang mangampanya.

(Bernard Dadis/UNTV News)

Tags: