Mapayapang resolusyon sa territorial dispute sa West Philippine Sea pinagtibay sa ASEAN-US Summit

by Radyo La Verdad | February 18, 2016 (Thursday) | 1838

US-ASEAN-SUMMIT
Matapos ang pagdalo ni Pangulong Benigno Aquino III sa two-day ASEAN U-S Summit sa Sunnylands kaagad itong nagtungo sa Los Angeles bilang simula ng kanyang working visit.

Pinagtibay sa katatapos lamang na summit ang resolusyon para sa mapayapang solusyon sa territorial dispute sa West Philippine Sea.

Nakasaad sa joint resolution ng mga bansa sa ASEAN at United States na dapat na daanin sa legal at diplomatikong paraan ang pagresolba sa agawan sa teritoryo batay sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS

Napagkasunduan rin ng mga ASEAN leader at kinatawan ng U-S ang pagpapanatili ng kapayaan, katatagan at maritime security sa rehiyon ng ASEAN gayundin ang pag-iral ng freedom of navigation at overflight sa West Philippine Sea

Bukod sa West Philippine Sea issue, napagkasunduan rin ang mga ASEAN leader at ni US President Barack Obama ang paglaban sa terorismo at banta ng climate change.

Bago magtapos ang summit isang traditional photo opt ang isinagawa

Kahapon ay kabi-kabilang business meetings ang dinaluhan ni Pangulong Aquino sa Los Angeles

Kabilang na rito ang meeting sa Walt Disney International, Western Digital Corporation, at Enterprise Growth Solutions AECOM.

Nagsalita rin ang Pangulong Aquino sa harap ng Los Angeles World Affairs Council, natalakay niya ang mga naging pagbabago ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang administrasyon at ang magandang relasyon ng Pilipinas at Amerika

Ngayon umaga ay magpapaunlak ng interview si Pangulong Aquino sa World Policy Institute sa Loyola Marymount University kung saan bibigyan rin siya ng Honorary Doctor of Humane letter degree dahil sa kanyang dedikasyon sa bansa

Bago tumulak pauwi ng Pilipinas makikipapulong muna ang pangulo sa mga filipino community sa Hilton Lax mamayang gabi.

(Christie Rosacia /UNTV News)

Tags: ,