Muling umapela sa mga tumatakbong kandidato ang Masbate Advocates for Peace na makiisa sa isinusulong na patas, tahimik at maayos na eleksyon sa lalawigan ng Masbate.
Layunin ng election watchdog na maiwasan ang mga kaso ng karahasan sa lalawigan dahil sa matinding labanan ng mga magkakatunggali sa pulitika.
Ayon kay Judge Igmedio Emilio Camposano, ang pinuno ng Masbate Advocates for Peace, paulit-ulit nang lumalagda sa peace covenant ang mga kandidato ngunit kung hindi naman nila ito tutuparin ay magpapatuloy pa rin ang election-related crimes.
Nanawagan rin sila sa media na maging patas sa pagbabalita at iulat rin mga magagandang pangyayari.
Samantala, nanawagan din ang Commision on Elections sa mga kandidato na sundin ang election rules upang huwag masampahan ng reklamo.
(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)
Tags: HALALAN, kandidato-political watchdog, Mapayapa at maayos, MASBATE