METRO MANILA – Plano ngayon ng ilang manufacturers na umapela sa Department of Trade and Industry (DTI) na payagan silang makapagpataw ng dagdag presyo sa canned good products.
Kasunod ito ng taas-presyo sa ilang sangkap at raw materials na ginagamit sa mga produktong delata.
Ayon sa DTI, kabilang sa mga nagbabalak humirit ng dagdag-presyo ang mga manufacturer ng sardinas, canned meat, evaporated milk, at kape.
Pahayag ng DTI nasa P0.50-P5 ang planong hilingin na dagdag-presyo ng mga nasabing produkto.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng DTI ang mga dokumentong isusumite ng mga manufacturer, na siyang gagamiting batayan kung papayagan ang hiling na taas-presyo.
Tags: canned goods, DTI