Inaasahan na ang pagdagsa ng mga hahabol sa deadline ngayong araw upang makapag-file ng kanilang Income Tax Return sa mga opisina ng Bureau of Internal Revenue.
Ayon sa BIR, wala silang ibibigay na extension sa manual filing ng ITR at tanging mga nakapila hanggang mamayang ala-singko ng hapon lang ang kanilang aasikasuhin.
Ang mga sektor naman na sakop ng electronic filing ay binigyan ng palugit hanggang June 15 pero kailangan pa ring mag-file ng mano-mano ngayon.
Babala ng BIR, ang mabibigong maghain ng ITR sa takdang oras ay pagmumultahin ng P1,000 kada return na may 25% surcharge ng tax.
Bukod sa maghahain ng ITR, dumagsa rin sa BIR offices ang taxpayers na nagrereklamo sa umano’y palyadong online ITR filing system.
Maging ang mismong mga empleyado ng BIR ay nagrereklamo rin sa mabagal na website kaya mahaba ang pila ng taxpayers.
Aminado naman si Commissioner Kim Henares na may problema ang E-BIR System dahil first time itong ipinatupad pero kailangan itong gawin para na rin sa mas maayos na ITR filing.
Tags: Commissioner Kim Henares