METRO MANILA – Nagpadala ng karagdagang relief assistance ang Manila Water Foundation (MWF) sa mga residenteng sinalanta ng Bagyong Odette sa Cebu, Bohol, Southern Leyte, Siargao Island, Dinagat Island, at Surigao City nitong Disyembre sa tulong ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Coast Guard.
Kabilang sa inihatid ng naturang mga ahensya ang mahigit 70,000 litro ng maiinom na tubig at 300 cases ng hygiene kits sa ilalim ng programang Agapay ng Manila Water Foundation na naglalayong matugunan kaagad ang supply ng tubig at mga pangangailangan sa kalinisan ng mga apektadong komunidad.
Ayon kay MWF Program Manager Blessille Par, isa sa mahahalagang gampanin ng kanilang ahensya ang pamamahagi ng malinis at ligtas na tubig lalo na sa panahon ng mga kalamidad.
Lubos din ang pasasalamat ng MWF dahil sa pakikiisa ng ibang ahensya at maging ng mga LGU na naabutan ng tulong.
(Peter John Salvador | La Verdad Correspondent)