Manila South Cemetery magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad ngayong weekend

by Radyo La Verdad | October 29, 2015 (Thursday) | 2096

MANILA-SOUTH-CEMETERY
Kahapon isang lalaki sa Manila South Cemetery ang napaulat na nanghabol ng kutsiluyo sa isa pang lalaki na bumibisita sa nasabing sementeryo.

Agad namang nahuli ang suspek saka ito dinala sa presinto.

Dahil dito magpapatupad ngayon ng mas mahigpit na seguridad ang pamunuan ng Manila South Cemetery upang tiyakin na hindi na mauulit ang insidente.

Kaugnay nito puspusan na rin ang paglilinis sa buong paligid ng sementeryo, maging ang pagaayos ng mga kawad ng kuryente sa pangunguna ng Department of Public Service mula sa Manila City Government.

Habang ang iba naman ay sa ating mga kababayan ay nag kanya-kanya na sa paglilinis.

Sa ngayon ay kakaunti pa ang bilang ng ating mga kababayan na bumibisita sa Manila South Cemetery, dahil sa weekend pa inaasahang dadagsa ang mga tao sa sementeryo.

Ngunit may ilan na mas minabuting pumunta ng maaga, dahil hindi pa umiiral ang mahigpit na patakaran at upang hindi na makipagsiksikan sa darating na weekend.

Samantala ,ang ilan naman ay sinasamantala na ang pagkakataon upang kumita ng pera sa pamamagitan ng paglilinis at pagpipintura sa mga nitso.
Bawat palinis ay nagkakahalaga ng 100-400 pesos, habang ang pagpapapintura naman ay nasa 600 pesos.

Ang iba naman sinamantala na rin ang pagbebenta ng pagkain at maging ng mga kandila.

Simula bukas ay isasara na ng Manila South Cementery ang kanilang gate upang bigyang daan ang gagawing pagseset-up ng mga booth ng iba’t-ibang Social Services Group tulad ng rescue at medical team. ( Joan Nano / UNTV News)

Tags: