METRO MANILA – Nagbanta ang transport group na Manibela na palalawigin nila ang isinagawang tigil-pasada noong nakaraang Linggo.
Ayon sa grupo, i-eextend nila ang nationwide transport strike hanggang ngayong Linggo kung patuloy anilang ipipilit ng pamahalaan ang deadline ng franchise consolidation para sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa December 31.
Nagtapos nitong Biyernes (November 24) ang 3 araw na tigil-pasada ng Manibela.
Sa pagtaya ng grupo, posibleng umabot sa 150,000 na mga jeepney driver at operators sa buong bansa ang inaasahang makikiisa sa planong extension ng tigil-pasada.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na panibagong opisyal na pahayag ang grupo ukol sa kanilang plano kung itutuloy ang extended transport strike.
Tags: Manibela, PUVMP, tigil-pasada