Manibela, itutuloy ang tigil pasada sa kabila ng bantang pagkansela ng prangkisa ng LTFRB

by Radyo La Verdad | July 17, 2023 (Monday) | 8982

METRO MANILA – Desidido pa rin ang transport group na Manibela na ituloy ang nakatakdang 3 araw na transport strike sa July 24 hanggang July 26.

Sa kabila ito ng babala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na babawian ng prangkisa ang mga tsuper na lalahok sa transport strike.

Ayon sa Chairman ng grupo na si Mar Valbuena, hindi bababa sa 50,000 Public Utility Vehicles (PUV) mula sa 9 na rehiyon sa bansa, kabilang ang Metro Manila, ang lalahok sa transport strike

Ipo-protesta ng grupo ang anila’y pagkakait ng ruta sa mga traditional jeepney driver at operators at pagpabor sa mga LGU at malalaking korporasyon na pinabulaanan naman ng Department of Transportation (DOTr).

Samantala, pag-uusapan naman ng DOTr at mga ahensya ng gobyerno at transport groups kung paano haharapin ang posibleng epekto ng tigil-pasada.

Tags: , ,