Mandatory ROTC sa kolehiyo, makatutulong sa security challenges sa bansa – AFP

by Radyo La Verdad | August 5, 2016 (Friday) | 1392

PADILLA
Maritime dispute sa West Philippine Sea, local terrorist groups, mga rebeldeng grupo at panganib bunga ng mga kalamidad, ilan lamang ito sa mga kinakaharap na suliranin ng bansa sa usapin ng seguridad.

Mula ng matapos ang world war 2 hanggang ngayong higit 100 milyon na ang populasyon ng bansa, nananatiling nasa 125 libo ang pwersa ng hukbong sandatahang lakas ng Pilipinas na nagpapanatili at nagbabantay ng seguridad sa bansa.

Kaya naman suportado ng Armed Forces of the Philippines ang panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing mandatory ulit ang Reserved Officer’s Training Corps sa kolehiyo.

Ginawang opsyonal ang ROTC noong 2002 sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo dahil sa mga iregularidad at pang-aabuso at sa halip ay ipatupad ang National Service Training Program o NSTP Law.

Kaya nangangamba naman ang Kabataan Partylist na muling magamit ang ROTC sa pang-aabuso.

Ayon kay BGen. Restituto Padilla, kinakailangan maintindihan ng mga kabataan ang layunin ng pagsasanay at ang mga maaaring matutuhan sa ROTC tulad ng basic life support, first aid training, basic self-defense, combat prepations, survival skills at iba pa.

(Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: ,