Muling maghihigpit ang Baguio City Local Government sa pagsusuot ng face mask bunsod ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ipatutupad ang face mask mandate sa indoor setting at sa outdoor na matataong lugar.
Naniniwala ang opisyal na epekto ng Arcturus Variant ang mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod.
Sa huli tala ng Baguio City LGU, mayroon nang 46,363 COVID-19 cases sa lungsod, kabilang rito ang 68 active cases, 45,390 recoveries at 905 deaths.
Muling nanawagan si Magalong sa mga residente na kumpletuhin ang kanilang bakuna kontra COVID-19 at iwasan na rin muna ang handshakes.
Tags: Baguio City, Covid-19