Isusulong ng ilang mambabatas sa 17th Congress ang pagpapasa ng panukalang batas na mag-o-obliga sa mga pampublikong sasakyan na maglagay ng CCTV camera at global positioning system o GPS.
Layon nitong maprotektahan ang mga pasahero sa krimen at pang-aabuso.
Ayon kay Catanduanes Lone District Representative Cesar Sarmiento, sa ilalim ng House Bill 6439 o public utility vehicle monitoring act, mababantayan ng mga operator ang galaw at ruta ng kanilang mga sasakyan.
Ang LTFRB ang aatasang mag-consolidate ng mga CCTV recording na gagamitin sa paglutas ng isang kaso o traffic incident.
(UNTV RADIO)
Tags: Catanduanes Lone District Representative Cesar Sarmiento, global positioning system