Mandatory drug testing para sa college freshmen, planong ipatupad sa taong 2018- CHED

by Radyo La Verdad | September 2, 2016 (Friday) | 1935

CHED
Tinatayang may 600,000- 700,000 estudyante ang papasok sa kolehiyo sa taong 2018 sa pagtatapos nila ng senior high school sa ilalim ng K- 12 program sa bansa.

Isang polisiya ang bubuoin ng Commission on Higher Education na magkaroon ng mandatory drug testing sa lahat ng mga estudyanteng papasok sa mga kolehiyo at unibersidad.

Ito ay isa sa magiging admission requirement ng mga incoming college students.

Bukod pa ito sa random drug test sa mga estudyante at mga kawani sa lahat ng mga kolehiyo at unbersidad sa bansa na nagsimula naman noong 2009.

Target ng CHED na makipagpulong sa iba’t ibang ahensya sa susunod na linggo upang masimulan na ang pagbuo ng mga regulasyon na nakapaloob dito.

Plano ng CHED na maisa- pinal ang polisya sa disyembre ngayong taon.

Ayon naman sa Department of Health pag- aaralan nilang maige ang mga regulasyon at titiyaking naaayon sa batas ang kanilang ipapatupad na polisya.

Ang polisiyang bubuoin ng CHED katuwang ang ilan pang kagawaran at ahensya ay bahagi ng pagsalba sa kinabukasan ng mga kabataan at pakikiisa sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,