Mandatory CCTV sa lahat ng PUV’s, ipinanawagan ng ilang commuters

by Radyo La Verdad | June 22, 2016 (Wednesday) | 1262

bus
Ilan sa mga commuters ay nagpahayag ng suporta para maipasa ang panukalang mandatory CCTV sa mga pampasaherong sasakyan.

Sa kabila ito ng mga insidente ng pagsasamantala sa mga kababaihan at panghoholdap sa loob ng pampasaherong bus.

Sa ilalim ng House Bill 6439 o Public Utility Vehicle Monitoring Act, mababantayan ng mga operator ang galaw at ruta ng mga pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng CCTV at Global Positioning System o GPS.

Layunin nito na maprotektahan ang mga pasahero sa krimen at pang-aabuso.

(Jerico Albano/UNTV Radio)

Tags: