METRO MANILA – Wala pang pagtaas sa presyo ng school supplies 2 Linggo bago ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.
Sa pag-iikot ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon (August 17) sa Divisoria, pasok pa rin sa Suggested Retail Price (SRP) ang mga gamit pang eskwela gaya ng notebooks, ballpens, crayons, at pad paper. Bukod sa presyo, sinuri rin ng DTI ang kaledad ng mga ito.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, mas magandang ikumpara muna ang presyo at kalidad ng produkto bago bumili.
Nagbabala rin ang kalihim sa mga retailer na lalagpas sa 10% ng SRP ang idadagdag sa presyo ng kanilang ibinebentang school supplies.
Para sa mga consumer na may katanungan o reklamo kaugnay sa mga ibinebentang school supplies, maaaring tumawag sa DTI hotline number sa 1384.
(Bernadette Tinoy | UNTV News)
Tags: DTI, school supplies, SRP