Target ng Commission on Election na ilipat sa mall ang mga presinto malapit rito, lalo na ang may maraming senior citizens at persons with disabilities na naka-rehistro.
Ngunit para kay Senate Electoral Reforms Committee Chairman Senator Aquilino Pimentel III dapat maghinay hinay muna ang COMELEC sa planong ito.
Para sa mambabatas marami nang problema ang COMELEC na dapat pagtuunan ng pansin.
Unang inanunsyo ng poll body na anim sa pitong miyembro ng en banc ang pabor sa ideya ng mall voting.
Nakapagsagawa na rin ng mga public hearing ang COMELEC hinggil dito.
Ngunit wala pang pinal na desisyon ang ahensya kung itutuloy nito ang proyekto.
Samantala kinwestyon din ng senador ang sistemang ipinatutupad ng COMELEC na kailangang kapartido at kaapelyido ang papalit sa isang namayapang kandidato.
Sinulatan na ni Pimentel ang COMELEC hinggil dito.
(Victor Cosare/UNTV News)
Tags: Commission on Election, Senate Electoral Reforms Committee Chairman Senator Aquilino Pimentel III