Mall sale sa buong bansa pinagpaliban ng Department of Tourism dahil sa banta ng COVID-19

by Erika Endraca | March 2, 2020 (Monday) | 1217

Ipinagpaliban muna ng Department Of Tourism (DOT) ang nationwide mall sale na nakatakda sana mula March 1 – 31 dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ang 2020 Philippine Shopping Festival ay isang programa ng DOT upang mapaunlad ang turismo sa bansa.

Ayon sa ahensya mas prayoridad nila ngayon ang kaligtasan ng publiko lalo’t patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease sa buong mundo.

Sa ngayon naman ang publiko sa aksyong ito ng DOT.

Hinikayat ng Tourism Department ang mga operator ng mall na sundin ang precautionary measures ng gaya ng pag-check sa temperatura ng mga papasok sa mall at paglalagay ng hand sanitizers.

Samantala ayon naman sa Psychologist na si Dr. Shiela Viesca may opsyon naman ang publiko na bumili nalang muna online upang hindi na kailangan pang pumunta sa mga matataong lugar.

Pero paalala ng eksperto, bilhin lamang ang kailangan.

“We already have so many options.pero asses rin natin kung ano ba yung kailangan mo instead of buying one item nakaksampu kana tapos yung talagang bibilhin mo wala pa online shopping isipin mo kung ano ang kailangan mo”ani Psychologist Dr. Shiela Viesca.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: