Kuntento ang ilang mambabatas sa naging trabaho ng administrasyong Duterte sa unang isangdaang araw nito.
Isa na rito ang pagsusulong ng usapang pangkapayaan sa mga armadong grupo sa Mindanao region.
Naniniwala naman si Albay Representative Edcel Lagman na hindi lamang pagsugpo sa iligal na droga ang dapat tinututukan ng pamahalaan.
Dagdag pa ng house minority group, nararapat din na magkaroon ng malinaw na polisiya ang administrasyong duterte pagdating sa pagsugpo sa kahirapan.
Pagdating sa foreign policy, pinayuhan ng dalawang mambabatas ang duterte administration na patatagin ang relasyon sa lahat ng bansa na tumutulong upang magkaroon ng magandang ekonomiya ang Pilipinas.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: dapat matutukan sa susunod pang mga taon, Malinaw na polisiya sa pagsugpo ng kahirapan