Natapos na kahapon ang dalawang araw na transport strike ng mga jeepney driver at operator kaugnay ng pagtutol ng mga ito sa planong jeepney modernization ng pamahalaan.
Base sa naging ulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, hindi na halos naramdaman ang epekto ng transport strike dahil maraming mga tsuper na ang nagdesisyong mamasada pa rin.
Ayon sa ahensya, ipatatawag nila ang mga driver at operator ng 21 jeep na naplakahan na nakilahok sa tigil-pasada.
Labing anim sa mga ito ang may prangkisa habang ang lima naman ay expired na.
Nagbanta naman ang grupong PISTON na gagawing buwanan ang mga kilos-protesta kung hindi sila pakikinggan ng pamahalaan.