Malawakang protesta laban sa pag-aangkin ng China sa West Phil Sea, isasagawa ngayong buwan

by Radyo La Verdad | July 16, 2015 (Thursday) | 2109

BOYCOTT CHINA
Sa July 24 ay magpoprotesta sa harap ng Chinese Embassy Consular Office ang ibat ibang grupo upang kondenahin ang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.

Ito na ang pangatlong kilos protesta na isasagawa na tinawag na 3rd Global Day of Protest against China.

Ayon kay dating Parañaque Rep. Roilo Golez isasabay nila ang kilos protesta sa pagkakatatag ng China sa Sansha City sa West Philippine Sea

Kasama sa pagkilos na ito ang ilang Filipino Community sa Guam, Spain, San Francisco at Paris.

Para kay Golez, sa pamamagitan nito maaari nating mahikayat ang ibang pang bansa na makiisa sa Pilipinas sa protesta.

Nananawagan ang grupo sa mga Pilipino lalo na sa mga environmental sector sa bansa na makiisa sa protesta o di kaya naman ay gamitin ang social media upang maipakita sa China na hindi basta-basta papayag ang mga pilipino na angkinin nito ang teritoryong sakop ng Pilipinas.

Ito ay sa pamamagitan pagpopost ng mga larawang nagpapakita ng pagkondena sa mga ginagawa ng China sa West Philippine Sea.

Noong nakaraang buwan nakunan ng litrato ng Armed Forces of the Philippines ang pagtatambak para gawing isla ng China sa West Philippines Sea.

Ito na ang pang-siyam na lugar sa West Philippine Sea na tinatayuan ng mga istruktura ng China.

Tags: ,