Malawakang martsa laban sa pangaangkin ng China sa West Philippine sea isasagawa ngayong buwan

by Radyo La Verdad | July 16, 2015 (Thursday) | 1215

GRACE-2
Sa July 24 ay magpoprotesta sa harap ng Chinese Embasy Cosular Office ang ibat ibang grupo para ipakita ang kanilang magkundina sa patuloy na pangaaakin ng China sa West Philippine sea.

Ito na ang pangatlong pagkilos na isinagawa sa banasa laban sa China na tinawag na 3rd Global Day of Protest against China.

Ayon sa dating kongresistang si Roilo Golez isinabay nila ang kilos protesta sa pagkakatatag ng China sa Sansha City sa West Philippine sea kung saan isa sa naging basehan ng china na angkinin ang teritoryo.

Kasama sa pagkilos na ito ilang mga Filipino community sa Guam, Spain, San Francisco at Paris.

Nananawagan ang grupo sa mga Pilipino lalo na sa mga environmental sector sa bansa na makiisa sa protesta upang maipakita sa China na hindi basta basta papayag ang mga Pilipino na angkinin ng China ang ating teritoryo.

Nanawagan din ang grupo sa pamahalaan na bigyan ng pansin ang sandatahan lakas lalo na sa pagtatanggol sa West Philippine sea.(Grace Casin/UNTV Correspondent)