Malawakang kampanya laban sa plastic pollution, isinagawa sa Pampanga

by Radyo La Verdad | June 6, 2018 (Wednesday) | 3746

Nag-iikot sa iba’t-ibang bayan sa Region 3 ang mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau (DENR-EMB).

Ito ay para sa kanilang mas pinaigting na kampanya laban sa polusyon dulot ng mga plastic products sa pamamagitan ng kanilang refill revolution.

Sa ilalim nito, maaring makabili ng mga murang produkto ang mga residente sa kondisyon na magdadala ang mga ito ng sariling lalagyan tulad ng mga plastic bottles.

Kabilang sa mga produkto na pwedeng mabili sa refill revolution ay suka, toyo, dishwashing liquid, fabric conditioner, hand soap, liquid detergent, at powdered soap.

Umaasa naman ang kagawaran na sa pamamagitan ng proyektong ito ay mababawasan na ang problema sa basurang plastik sa bansa.

 

( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )

Tags: , ,