Malawakang booster vaccination, ilulunsad ng pamahalaan sa July 26

by Radyo La Verdad | July 21, 2022 (Thursday) | 6388

METRO MANILA – Ilulunsad ng pamahalaan sa July 26, ang PinasLakas na isang kampanya para pataassin ang COVID-19 booster vaccination sa bansa.

Target ng kasalukuyang administrasyon na makapagbakuna ng 50% ng mga qualified sa booster o halos katumbas ng higit 23 million na mga Pilipino

Gagawin ng pamahalaan ang massive vaccination drive sa pangunguna ng Department of Health (DOH) upang maabot ang target sa loob ng unang 100 araw ng panunungkulan ni President Ferdinand Marcos Junior.

Para mapataas ang booster, plano ng DOH na ilapit ang mga bakunahan sa publiko lalo na sa mga lugar na hindi maabot ng ilang mga nais magpabakuna.

Ayon kay DOH Officer in Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, plano ng pamahalaan na maglagay ng bakunahan sa mga palengke, places of worship, malls, plaza, terminal ng mga sasakyan, factory, at maging sa mga eskwelahan

Paiigtingin din ng DOH ang pagbabahaybahay para naman maabot ang mga matatanda at mga bed ridden

Batay sa datos ng DOH, mula sa higit 71 million na mga fully vaccinated sa bansa, nasa higit 15 million pa lang ang nagpapabakuna ng booster dose.

Tags: ,