Malasakit Center Program, itutuloy sa ilalim ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

by Radyo La Verdad | June 1, 2022 (Wednesday) | 1403

METRO MANILA – Itutuloy ng administrasyon ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Junior ang operasyon ng Malasakit Centers sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito ang nagsisilbing one-stop shop para sa mga indigent patients upang makahingi ng tulong medikal at pinansiyal.

Target ng mahigit 100 malasakit centers sa bansa ang zero billing ng mga pasyente sa mga pampublikong ospital lalo na ng mga mahihirap.

“Susundan parin po natin yung pagbibigay ayuda yung inumpisahan po ni Senator Bong Go na Malasakit Center itutuloy parin po natin yan sa mga ospital kung kailangan nila, hindi makalabas sa ospital pwede po nilang lapitan ang DSWD.” ani Incoming DSWD Secretary Erwin Tulfo.

Isa naman sa mga plano ni Department of Social Welfare and Development Incoming Secretary Erwin Tulfo na pabilisin pa ang pamamahagi ng ayuda gamit ang online platforms.

Kasama rin sa ipinata-trabaho ni President-elect Marcos ang paglilinis ng listahan ng mga benepisyaryo na nakatatanggap ng tulong mula sa gobyerno.

Tags: , ,