Malaking pondo ng DepEd, ilalaan sa hiring ng 10,000 guro sa susunod na taon

by Erika Endraca | September 4, 2019 (Wednesday) | 21199

MANILA Philippines – Magdaragdag  ng  10,000 mga guro ang Department of Education (DepEd) para sa susunod na taon. 

Sa pagsalang ng DepEd sa budget briefing ng house appropriations committee nitong Lunes, lumalabas na malaking porsyento ng panukalang P551.7-B  na budget ng ahensya ay nakalaan sa hiring ng karagdagang mga guro na paglalaanan ng P1.27-B.

Batay sa regulasyong ibinaba ng DepEd noong 2016, 1 guro ang nakatalaga sa kada 35 estudyante sa elementarya. Habang 1 is to 45  naman sa high school.

“We are reducing the class sizes because we have always been disturb by the fact that we have large classes, kapag nireduce mo yan we need more teachers.” ani DepEd Secretary Leonor Briones. 

Kasama rin sa proposed budget ng ahensya ang hiring ng 5,000 non-teaching personnel na pinaglaanan naman ng P1.28-B. 

Samantala kinuwestyon naman ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro ang pondo para sa medical assistance ng mga guro.

“Magkaiba po ito eh..special law po ito ng teachers for magna carta for public school teachers as against dun sa nagcocontribute kasi mga government employees tulad ng mga teachers para duon.” Ani ACT Teachers Partylist Representative France Castro.

Ang Education Sector ang nakakauha ng pinakamalaking budget mula sa P4.1-T proposed 2020 national budget, kung saan nakapaloob ang DepEd, Commission on Higher Education (CHED), TESDA at State Colleges and Universities.e

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: ,