Malaking bilang ng OFW sa Yemen at Libya, tumangging sumailalim sa mandatory repatriation program

by monaliza | March 23, 2015 (Monday) | 1049

dfa
Tumangging sumailalim sa mandatory repratriation program ang malaking bilang ng mga Pilipino sa Yemen at Libya. Sa kabila ng pagdedeklara ng Department of Foreign Affairs ng alert level 4 dahil sa kaguluhan sa mga naturang bansa.

Labing apat na OFW pa lamang ang nakakabalik ng Pilipinas mula sa Yemen samantalang nasa 165 na Pilipino naman ang nakatakdang umuwi mula sa Libya ngayong linggo.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas, mahigit 745 pa ang rehistradong OFW na nasa Yemen habang nasa apat na libong Pilipino naman ang nananatili pa sa Libya.

Kaugnay nito, umaapela ang DFA sa mga kaanak ng mga OFW dito sa Pilipinas na kumbinsihin ang kanilang mga mahal sa buhay na nasa Libya at Yemen na umuwi na ng bansa.