Marami sa mga towing operator at personnel ang hindi pumasa sa pagsusulit na ginawa ng Metropolitan Manila Development Authority.
Dalawampung item na lahat ay wikang tagalog ang binigay na pagsusulit.
Layon ng eksaminasyon na masukat ang kaalaman ng mga towing personnel at operator sa tamang patakaran sa pag –tow o paghatak ng sasakyan.
Ang passing grade sa pagsusulit ay 100% at hindi makakapasa ay hindi bibigyan ng akredistasyon ng MMDA.
Sa 74 na kumuha ng pagsusulit sa unang araw, walang nakakuha ng perfect score, sa sumunod na araw 13 out of 54 at sa huling araw ay 12 out of 63.
Sasailalim din sa emission testing ang lahat ng mga tow truck at ang babagsak ay hindi rin papayagang makapag operate.
Ayon sa mmda, taong 2012 pa ay nagbibigay na ito ng seminar sa mga towing companies kaya ikinalulungkot nito na marami pa rin ang bumagsak sa pagsusulit.
Lahat ng di pumasa ay bibigyan pa ng isang pagkakataon ng MMDA.
Kapag bumagsak pa ulit ay hindi na papayagan ng MMDA na makapag operate.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)