Malaking bahagi na ng Zamboanga City ang nakabangon mula sa mga pinsalang tinamo nito noong 2013 siege.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng siyudad ng Zamboanga, nakalipat na sa mga permanent shelters ang mahigit walong daang pamilya na nasunugan ng bahay sa kaguluhan.
Sa darating na Marso naman nakatakdang matapos ang karagdagang tatlong libung housing units na ipamimigay sa iba pang mga residenteng naapektuhan ng Zamboanga seige.
Nag-umpisa na ring dumami ang mga investor na pumasok sa lugar.
Tumaas din ng mahigit sampung porsyento ang tourist arrival sa siyudad noong 2015.
Batay sa pinakahuling annual report ng Commission on Audit nananatili ang Zamboanga City bilang pinakayamang lungsod sa Mindanao na may mahigit sampung bilyong equity.
(Dante Amento / UNTV Correspondent)