Malaking bahagi ng Tiwi, Albay, wala pa ring kuryente halos isang buwan matapos manalasa ang Bagyong Nina

by Radyo La Verdad | January 23, 2017 (Monday) | 1500

ALLAN_KURYENTE
Halos isang buwan na ang nakakalipas ng manalasa ang Bagyong Nina sa buong Bicol Region subalit sa bayan ng Tiwi,Albay nagmimistulang ghost town pa rin ang kanilang lugar hanggang ngayon.

Reklamo ng mga residente wala pa rin silang maayos na suplay na kuryente sa kanilang lugar.

Hirap rin ang maraming estudyante sa bayan lalo na’t magsisimula na ang kanilang examination week at hindi sila makapag-review ng maayos dahil sa kawalan ng power supply.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang Albay Power Electric Corporation hinggil sa power restoration sa Tiwi, Albay.

Ngunit aminado ang punong ehekutibo ng bayan na maaaring matagalan pa bago maibalik sa normal ang pamumuhay sa Tiwi.

Sa pinakahuling ulat ng Office of the Civil Defense, umabot sa 4,469 pamilya o katumbas 20,643 katao ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Nina.

Sa nasabing bilang, nasa 3,395 ang nawalan ng tirahan.

Sa pagbisita ni Vice President Leni Robredo sa Camarines Sur nitong Sabado inilatag nito ang mga ayudang ibibigay sa mga apektadong lugar na hindi pa ganap na nakakarecover.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , ,