Malaking bahagi ng Luzon, makararanas pa rin ng malalakas na ulan dahil sa habagat

by Radyo La Verdad | June 13, 2018 (Wednesday) | 3311

Base sa forecast ng PAGASA, posibleng magkaroon ng mga pagbaha o landslides lalo na sa Ilocos Region, Bataan, Batangas, Zambales, Pangasinan, Batanes, Babuyan Group of Islands, CAR at Metro Manila.

Ang Visayas at Mindanao naman ay magkakaroon din ng mga thunderstorms o mga panandaliang malalakas na pag-ulan.

Mapanganib pa ring pumalaot sa mga baybayin ng Luzon lalo na sa kanluran ng Palawan papunta sa hilagang baybayin ng Luzon hanggang sa Aurora.

Tatagal pa ng ilang araw ang mga pag-ulan bagama’t wala namang panibagong bagyo na makakaapekto sa bansa.

Tags: , ,