Malaking bahagi ng Laguna binaha dahil sa tuloy-tuloy na pag ulan noong weekend

by Radyo La Verdad | December 21, 2015 (Monday) | 3485

SHERWIN_BAHA
Umabot sa hanggang beywang na tubig baha ang naranasan sa malaking bahagi ng probinsiya ng laguna nuong nakaraang Sabado ng hapon dahil sa pagapaw ng mga ilog bunsod ng ulang dala nang sama ng panahon.

Kabilang na rito ang mga barangay Tunhac,Batuhan,Bulihan at Salang Bato sa Famy Laguna.

Pinasok rin ng tubig baha ang mga bahay malapit sa Laguna Lake tulad sa San Pedro, Binan, Cabuyao at Sta. Rosa.

Tinulungan naman ng UNTV Rescue ang dalawang pamilya sa Capinpin Street sa barangay Landayan sa San Pedro na lumikas dahil sa pagtaas ng tubig baha sa kanilang lugar.

Samantala dahil pa rin sa walang tigil na pagulan apat na myembro ng pamilya Lastimosa sa Purok 5 Barangay Tanauan Real Quezon ang nasawi matapos matabunan ng lupa ang kanilang bahay nuong Sabado ng ala una ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Normita Lastimosa 34 anyos, Joan Lastimosa 10 taong gulang Joylyn 1 taong gulang at Jhosa mae Lastimosa 4 na taong gulang na natagpuang patay ng Sabado na ng gabi.

Ayon kay Frederick Bragas tagapagsalita ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Office nagkaroon ng landslide sa lugar dahil sa paglambot ng lupa bunsod ng tuloy-tuloy na pag ulan.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,