Malaking bahagi ng 2018 budget ng DSWD, planong ilaan sa 4P’s at social pension ng mga maralitang Senior Citizens

by Radyo La Verdad | September 26, 2017 (Tuesday) | 3336

Aabot sa 137 billion pesos ang hinihinging budget ng Department of Social Welfare and Development  sa 2018, mas mataas ng bahagya kumpara ngayong taon na may 128 billion pesos budget.

Ang malaking bahagi ng nasabing pondo ay ilalaan pa rin sa flagship program nito na Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nagkakahalaga ng 89 billion pesos at 19 billion pesos para sa buwanang pensyon ng mga mararalitang Senior Citizens. Kung saan posibleng tumaas ng mahigit 2.8 million na Senior Citizens ang posibleng makinabang sa P500 na buwanang pensyon.

Sa proposed budget, may nakaalan na ring 1.2 billion pesos na subsidiya mula sa tax reform package para pa rin sa cash transfer program. Ayon kay DSWD  officer-in-charge Undersecretary Emmanuel Leyco, malaking tulong ang subsidiyang ito upang makabawas sa posibleng epekto ng reporma sa pagbubuwis sa mga mahihirap na pamilya.

Aabot sa 4.4 milyong mahihirap na pamilya ang nakikinabang ngayon sa 4P’s ng pamahalaan.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,