Nagdulot ng malawakang pagbaha ang malakas na ulan sa Tamil Nadu sa Southern India.
Dahil dito libo-libo ang nilisan ang kanilang tahanan, isinara ang mga pabrika at naparalisa ang operasyon sa Chennai airport.
Ika-apat sa pinakamataong lugar sa India ang Chennai at isa rin ito na major manufacturing at outsourcing hub sa India.
Dalawangput limang flights ang nakansela dahil sa binahang runway ng international airport.
Ilang sasakyan at tahanan din ang lumubog sa baha.
Ang ilang residente ay gumamit ng mga hagdanan para makalabas sa kanilang mga bahay habang ang ilan ay tumalon sa bintana papunta sa mga balsa.
Ayon sa mga eksperto ang seasonal monsoon rain ang dahilan ng pagbaha sa syudad.