Malakas na pag-ulan, mararanasan pa rin sa ilang bahagi ng bansa dahil sa habagat

by Radyo La Verdad | July 11, 2016 (Monday) | 2507

RAIN
Mararanasan pa rin sa ilang bahagi ng bansa ang malalakas na pag-ulan.

Ito ay dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Gabagat.

Ayon sa PAGASA, nakataas ang orange rainfall warning sa Zambales, ibig sabihin, asahan ang matinding pagbaha sa mga flood prone areas.

Nakataas naman ang yellow warning level sa probinsya ng Bataan at Cavite, kung saan mataas pa rin ang posibilidad ng mga pagbaha.

Makakaranas din ng bahagya hanggang katamtamang lakas ng pag-ulan sa Metro Manila, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

(UNTV RADIO)

Tags: