Malakanyang, umapela na wag pawalang kabuluhan ng iba ang decommissioning na ginawa ng MILF

by Radyo La Verdad | June 17, 2015 (Wednesday) | 1026

SEC EDWIN LACIERDA
Pakitang-tao lang o wala pang kasiguraduhan kung tuluyan ngang susunod sa Decommissioning process – ganito ang mga komentaryo na nakarating sa Malakanyang hinggil sa ceremonial decommissioning process o pagsasauli ng 75 armas ng MILF kahapon

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Edwin Lacierda, hindi naiisip ng iba ang kahalagahan sa hakbang na ito ng MILF.

Dagdag pa nito, hindi naman dapat iisantabi ang katotohanang MILF ang kauna-unang armed organization na gumawa ng decommissioning dahil sa kasunduang pangkapayapaan sa pamahalaan.

Hindi rin madali para sa mga myembro ng MILF na isauli ang kanilang mga armas gayong namuhay ang mga ito sa pakikipagbak-bakan sa loob ng dalawa o tatlong dekada.

Sinabi ng Malakanyang, maaaring hindi nauunawaan ng iba ang sitwasyong ito dahil sa hindi pagkakaroon ng karanasang mamuhay at mamalagi sa lugar na may armed conflict.

Tags: