Umaasa ang Malakanyang na makikipagkaisa ang China sa pagbuo ng Code of Conduct sa South China o West Philippine Sea para matiyak ang regional stability.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, sa ngayon ay pinagaaralan pa ng China ang draft ng Code of Conduct na inaasahang magtataguyod ng freedom of navigation sa South China sea.
Umaasa din aniya ang Malacanang na makikiisa ang China at patuloy na makikipagdayalogo ito sa mga bansa sa timog silangang asya para sa pagbuo ng naturang code of conduct.
Dagdag pa ni Lacierda, mahabang panahon ang gugugulin sa pagbuo nito subalit ang mahalaga aniya ay nakakapagusap ang mga bansang kasama sa usapin pagdating sa pagtataguyod ng malayang paglalayag sa pinagaagawang teritoryo.
(Jerico Albano/UNTV Radio Reporter)
Tags: China, malakanyang to china, West Philippine Sea dispute